Quantcast
Channel: Alimbúkad » tula
Viewing all articles
Browse latest Browse all 41

Ibig ko ang katahimikan, ni Pablo Neruda

$
0
0

Salin ng “Pido silencio” ni Pablo Neruda mulang Chile.
Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo mulang Filipinas.

Ibig ko ang katahimikan

Maiiwan na nila ako nang matiwasay,
at masasanay din sila sa aking pagkawala.

Ipipinid ko ang aking mga mata.

Ibig ko lamang ang limang bagay,
limang ugat na kinikilingan.

Isa ang walang hanggang pag-ibig.

Ikalawa ang masilayan ang taglagas.
Hindi ako makaiiral nang walang mga dahon
na lumilipad at bumubulusok sa lupa.

Ikatlo ang taimtim na taglamig,
ang itinangi kong ulan, ang haplos
ng apoy sa mabagsik na ginaw.

Ikaapat ang tag-araw,
na bilugan gaya ng milon.

At ikalima, ang mga mata mo.
Matilde, na aking minamahal,
di ako mahihimbing nang wala ang paningin mo,
di ako mabubuhay nang wala ang titig mo;
ipapaling ko ang tagsibol
upang ako’y sundan ng mga mata mo.

Iyan, mga kaibigan, ang tanging nais ko.
Malapit sa wala at matalik sa lahat.

Makaaalis na sila kung ibig nila.

Lubos akong namuhay at balang araw
ay sapilitan nila akong lilimutin,
saka buburahin sa pisara:
Walang kapaguran ang aking puso.

Ngunit dahil mithi ko ang katahimikan,
huwag isiping mamamatay na ako.
Ang kabaligtaran ang totoo:
magaganap na ako’y mabubuhay.

Iiral ako’t ako’y patuloy na iiral.

Hindi ako magiging nasa loob ko,
na isang uhay na nabigong sumibol
mula sa ubod, at bumiyak ng luad
upang makatanaw ng liwanag,
ngunit ang Inang Bayan ay madilim,
at, sa loob ko, ako ang karimlan.
Ako ang batis na ang tubigan sa gabi’y
pinag-iiwanan ng mga bituin
at mag-isang dumadaloy sa mga bukirin.

Palaisipan ang mamuhay nang lubos
kaya nais ko pang lumawig ang buhay.

Hindi ko nadamang napakalinaw ng tinig,
at ni hindi nahitik sa labis-labis na halik.

Ngayon gaya noong dati ay napakaaga pa.

Hayaan akong mag-isa sa ganitong araw.
Pahintulutan ako na muling isilang.


Filed under: halaw, salin, tula Tagged: ginaw, halaw, katahimikan, mata, matiwasay, pag-iisa, salin, tag-araw, taglagas, taglamig, tagsibol, tula

Viewing all articles
Browse latest Browse all 41

Trending Articles


KANTOT


NANCY BINAY, HINDI PA MAN SENADOR, MAARTE NA!


Suso ng 15-anyos nilamas ng 20-anyos


2 GRO aksidenteng nakainom ng silver cleaner, patay


Long Mejia may sex scandal


Halimbawa ng Tula na may Sukat at Tugma


Tundo Man May Langit Din


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SALUKSOK


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


KANTUTAN


Pagpalit kay Mark Lapid bilang hepe ng TIEZA itinanggi


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Mamboboso huli sa entrapment


PROSPERO COVAR: Ama ng Pilipinolohiya


Maganda Pa Ang Daigdig


Mga kasabihan at paliwanag


MULA SA BITUKA NG HAYOP--tula ni E. San Juan, Jr.


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar